Nakipagpulong si NEA Administrator Antonio Mariano C. Almeda sa Federation of Rural Electric Cooperatives in Region VIII (FRECOR-8) sa Tacloban City ngayong araw.
Kasama sa pagpupulong sina NEA Deputy Administrator for EC Management Services Ernesto O. Silvano, Jr., Philippine Rural Electric Cooperatives Association (PHILRECA) President Joselito P. Yap at National Association of General Managers of Electric Cooperatives (NAGMEC) President Allan L. Laniba.
Inilatag ni Admin Almeda sa pulong ang mga pinaplanong proyekto ng NEA na maipaganda pa ang serbisyo ng mga electric coop para sa kapakanan ng mga member-consumer-owners.
Kabilang sa mga proyektong tinalakay ni Administrator Almeda ang pagpapatayo ng smart data center sa NEA Head Office para sa pinaigting na monitoring sa lahat ng ECs.
Sa pulong, pinuri din ng NEA Chief ang Big Brother Principle at sistema ng procurement at logistics ng FRECOR 8, at ang katibayan ng asosasyon ng mga electric cooperatives na kabilang dito. Target itong maipatupad ni Administrator Almeda sa iba pang mga rehiyon ng bansa.
Napag-usapan din sa pulong ang isyu ng franchise renewal ng mga coop. Inilahad ni Admin Almeda ang buo niyang suporta para matulungan ang mga EC sa pamamagitan ng pagkakaroon ng one-stop shop na tutugon sa lahat ng isyu kaugnay sa aplikasyon ng kanilang prangkisa.
Matapos ang pulong kasama ang FRECOR 8, bumisita si Admin Almeda sa opisina ng Leyte II Electric Cooperative, Inc. (LEYECO II) at Leyte III Electric Cooperative, Inc. (LEYECO III). Pinangunahan ng Administrador ang Ceremonial Lighting ng Christmas Tree ng LEYECO III. (PR)